I-skip tungo sa nilalaman

Roma 12:11 — Zoom Ministry

Mar 11, 2026


Panimula

Magandang hapon po. Nasa gitna tayo ng Memorial Invitation campaign, kaya may isang teksto po tayo ngayong hapon.

Sino po ang puwedeng bumasa ng Roma 12:11?

[Basahin ang Roma 12:11]

Roma 12:11

"Maging masipag kayo, hindi tamad. Maging masigasig kayo dahil sa banal na espiritu. Magpaalipin kayo para kay Jehova."

Salamat po. Tatlong utos ni Pablo dito. Tanungin ko po kayo:


Tanong

1. "Maging masipag" — Sa memorial invitation, ano ang itsura ng "masipag"?

2. "Maging masigasig dahil sa banal na espiritu" — Ang "masigasig" sa Griego ay literal na "kumukulo." Paano natin pinapakuluan ang sigasig kahit maraming tumanggi?

3. "Magpaalipin para kay Jehova" — Paano natin maipapakita na si Jehova ang dahilan, hindi lang routine?


Buod

Salamat po sa mga sagot. Base sa Mahalin ang mga Tao:

  • Masipag — gaya ng Aralin 1: magmasid muna. Huwag ipilit — tingnan ang nasa puso ng kausap.
  • Kumulo sa espiritu — gaya ng Aralin 6: huwag matakot. Huwag manghusga kung sino ang iinvite-han.
  • Matiyaga — gaya ng Aralin 7: huwag sumuko kahit maraming tumanggi.

Tandaan — ang Memorial ay pag-alaala sa pinakamalaking pagpapaalipin ni Jesus. At baka ang taong iinvite-han natin ngayong hapon, siya ang nakaupo sa Memorial.

Sige po, mag-pray na tayo at mag-arrange ng territory.