I-skip tungo sa nilalaman

Parangalan si Jehova

Jan 30, 2026


INTRO [1 minuto]

Naiisip n'yo po ba kung minsan... baka may kilala kayong tao na ang ganda ng sinasabi, pero ibang-iba naman ang ginagawa? Halimbawa, may nagsasabing "mahal kita" pero hindi naman niya pinapakita. O 'yung nagsasabing "kaibigan kita" pero kapag kailangan mo siya, wala siya.

Sa Ingles, tinatawag itong "lip service" — salita lang, walang gawa.

Ngayong gabi, pag-uusapan po natin kung paano tayo makakaiwas sa ganitong uri ng pagsamba. Dahil ang tema po natin: Parangalan si Jehova sa Pamamagitan ng mga Labi at Puso Mo.

Kaya simple lang po ang formula natin ngayong gabi:

Labi + Puso = Tunay na Pagsamba.

Hindi lang labi. Hindi lang puso.

Kundi labi at puso — magkasama.

At may tatlong tanong po ang sasagutin natin:

  1. Paano ito naging problema noong panahon ni Isaias?

  2. Paano ito kinondena ni Jesus?

  3. At ano ang inaasahan ni Jehova sa atin ngayon?

Simulan po natin sa unang tanong — Paano ito naging problema noong panahon ni Isaias?


1 — Nagalit si Isaias sa mga lider ng relihiyon noong panahon niya dahil mapagkunwari sila [2.5 minuto]

Isipin n'yo po ito: Ang mga lider ng relihiyon ng Juda noon, nag-aangkin silang malapit kay Jehova.

Dumadalo sila sa templo.

Nag-aalay sila.

Nagdarasal sila.

Pero ano ang problema?

Panlabas lang pala ang lahat.

Kaya naman nagalit si Isaias sa mga lider ng relihiyon noong panahon niya dahil mapagkunwari sila.

Tingnan po natin kung ano ang sinabi ni Jehova sa kanila sa pamamagitan ni Isaias.

Buksan po natin ang Isaias kabanata 29, bersikulo 13.

Dito, maririnig natin mismo ang damdamin ni Jehova tungkol sa mga mapagkunwari.

[Basahin ang Isaias 29:13]

"Sinasabi ni Jehova: 'Lumalapit sa akin ang bayang ito sa pamamagitan ng bibig nila, at pinararangalan nila ako sa pamamagitan ng mga labi nila, pero malayong-malayo ang puso nila sa akin; at ang pagkatakot nila sa akin ay batay sa mga utos ng tao na itinuro sa kanila.'"

{pause and smile}

Napansin n'yo po ba ang sinabi ni Jehova?

Malayong-malayo ang puso nila sa akin.

Ang sakit nun para kay Jehova, 'di ba?

Parang may asawang nagsasabing "mahal kita" araw-araw, pero ang puso niya ay nasa iba. Panlabas lang. Pakitang-tao.

At kung titignan po natin ang referensya, sabi po dito — ang mga pinunong ito ay

"nag-aangking maingat sa paraang espirituwal, subalit iniwan nila si Jehova."

Ano po ba ang ginawa nila?

Itinuturo nila ang sarili nilang mga ideya — hindi ang kalooban ng Diyos.

Kaya ano ang ginawa ni Jehova?

Pinapanagot niya sila. Hindi niya kinunsinti ang pagpapaimbabaw nila.

Bakit?

Dahil labi lang ang meron sila — walang puso. Hindi kumpleto ang formula.

Kaya iyon ang naging problema noong panahon ni Isaias — ang pagsamba nila ay hindi tinanggap ni Jehova.

{pause and smile}

Ngayon naman, tingnan po natin ang pangalawang tanong — Paano ito kinondena ni Jesus?


2 — Ginamit ni Jesus ang pananalita ni Isaias para tukuyin ang mga lider ng relihiyon noong unang siglo [2.5 minuto]

Mga 700 years na ang lumipas. Panahon na ni Jesus.

Pero parehong-pareho pa rin ang problema!

Alam n'yo po ba kung ano ang mas mahalaga sa mga Pariseo noon?

Ang paghuhugas ng kamay ayon sa tradisyon, kaysa sa pag-aalaga sa sarili nilang mga magulang.

{pause}

Iisipin po natin, tradisyon ng tao ang mas pinapahalagahan nila kaysa utos ng Diyos!

Kaya ginamit ni Jesus ang pananalita ni Isaias para tukuyin ang mga lider ng relihiyon noong unang siglo.

Direktang sinabi niya sa kanila ang mababasa natin sa Mateo kabanata 15, bersikulo 7 hanggang 9.

At pansinin kung gaano po katapang si Jesus dito.

[Basahin ang Mateo 15:7-9]

"Kayong mga mapagkunwari, tama ang inihula ni Isaias tungkol sa inyo: 'Pinararangalan ako ng bayang ito sa pamamagitan ng mga labi nila, pero malayong-malayo ang puso nila sa akin. Walang saysay ang patuloy na pagsamba nila sa akin, dahil mga utos ng tao ang itinuturo nila bilang doktrina.'"

Ano ang sabi dito? Walang saysay ang patuloy na pagsamba nila.

{pause}

Napakatinding salita, 'di ba?

Alam n'yo kung ano ang maganda kay Jesus?

Hindi siya natakot kahit nagalit ang mga Pariseo.

At base po sa referensya natin, "Hindi hinayaan ni Jesus ang negatibong reaksiyon ng mga lider ng relihiyon na mapahinto siya sa pagsasalita ng katotohanan."

Kaya ano po ang aral?

Kung maling-mali ang isang bagay — tulad ng mapagkunwaring pagsamba — huwag tayong matakot itama ito, lalo na sa sarili natin.

Kaya tandaan: Kung labi lang, walang puso — walang saysay ang pagsamba.

Pero paano naman tayo ngayon?


3 — Inaasahan ni Jehova na magiging "masunurin mula sa puso" ang mga mananamba niya [3 minuto]

Posible bang maging mapagkunwari tayo nang hindi natin namamalayan?

Oo, posible. Kaya nga inaasahan ni Jehova na magiging "masunurin mula sa puso" ang mga mananamba niya.

Tingnan po natin kung ano ang ibig sabihin nito sa Roma kabanata 6, bersikulo 17.

[Basahin ang Roma 6:17]

"Pero salamat sa Diyos dahil kahit alipin kayo ng kasalanan noon, kayo ngayon ay naging masunurin mula sa puso sa turong iyon, sa parisan na ibinigay sa inyo para sundan."

Pansinin po natin ang contrast, mga kapatid.

Dati — alipin ng kasalanan. Walang choice. Kontrolado.

Ngayon — masunurin mula sa puso. Kusang-loob. Sariling desisyon.

{pause and smile}

Kaya ano ang ibig sabihin ng "masunurin mula sa puso"?

Hindi lang sumusunod dahil may nakakakita.

Hindi lang dahil kailangan.

Kundi dahil gusto mo — dahil mahal mo si Jehova.

Iyan ang pagkakaiba ng lip service at tunay na pagsamba.

Pero alam n'yo po ba kung paano nagiging mapagkunwari ang isang tao?

Kung titignan po natin ang reference, sabi dito — nagsisimula po ito sa maliit.

Sa umpisa, baka pagdudahan niya kung tama bang sundin ang isang utos ni Jehova.

Tapos susuwayin niya 'yung parang "hindi naman ganoon kahalaga."

Tapos kapag walang masamang nangyari agad, lalakas at lalakas ang loob niyang sumuway ng higit pa.

Para po ilarawan — para pong anay sa kahoy.

Hindi mo nakikita agad — maliit lang, tahimik lang. Pero unti-unti, kinakain ang loob.

Tapos isang araw — gumuho na pala.

Kaya mga kapatid, mapanganib 'yan.

Kaya suriin po natin ang sarili. Kumpleto ba ang Labi at Puso ko?

  • Labi: Kumakanta ako ng papuri. Puso: May pagmamahal ba ako sa mga kapatid pagkatapos ng pulong?
  • Labi: Tinuturo ko ang katapatan. Puso: Tapat din ba ako sa trabaho?
  • Labi: May family worship kami. Puso: Ina-apply ko ba ito araw-araw?

Kaya ang tanong sa ating lahat: Kumpleto ba ang formula ko — Labi at Puso?


IMAGE

IMAGE CUE: 202026004_univ_cnt_1_xl.jpg

Ngayon naman po, tingnan natin ang larawan.

Ano po ba ang nakikita natin dito, mga kapatid at mga kaibigan?

Isang kapatid na nagbibigay ng pahayag — posibleng tungkol sa family worship.

Pero hindi lang siya nagtuturo sa platform.

Isinasabuhay din niya ito sa sarili niyang pamilya.

At napansin n'yo po ba ang caption?

Sabi po dito:

"Kapag isinasabuhay natin ang mga ipinapangaral natin, nakikita iyon at pinapahalagahan ni Jehova."

Iyon po ang gusto ni Jehova. Hindi lang salita. Kundi buhay na halimbawa.

Labi at puso — magkasama.


CONCLUSION [1 minuto]

Kaya mga kapatid at mga kaibigan, ano ang natutunan natin ngayong gabi?

  1. Noong panahon ni Isaias — labi lang, walang puso. Problema.

  2. Noong panahon ni Jesus — labi lang din, walang puso. Walang saysay.

  3. Sa panahon natin — inaasahan ni Jehova na tayo ay masunurin mula sa puso.

Dahil si Jehova — nakikita niya ang puso.

At kapag kumpleto ang formula — labi at puso — pinaparangalan natin siya.

At pinapahalagahan ni Jehova iyon.

Maraming salamat po.